Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino

On

USERS: We don't own the download sites. We just give you the link where you can download the ebooks for free. The material presented on this blog is for entertainment / illustrative purposes only. When you have read the ebook, please, delete it from your computer.

1 Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? BAKIT BALIKTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO? BOB ONG In Partial Fulfilment of the Requirements in Management. Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? Has 8,058 ratings and 218 reviews. Said: Pang-anim na libro ko na sinulat ni Bob Ong: ang totoong. Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (mga kuwentong barbero ni bob ong) [Bob Ong, Klaro Karmeo De Asis] on Amazon.com. *FREE* shipping on qualifying offers.

Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino pdf download

If you are interested in any ebook for collection, you should buy it from the original Author. AUTHORS: This is references only. The blog has NO FILES in it.

If you don't like it, please send abuses to FILE-HOSTING companies. HAPPY VIEWING THIS BLOG.

I.Pagkilala sa may-akda Si Bob Ong, o kaya naman ay si Roberto Ong ay isang mapagpatawang uri ng manunulat. Inihahambing niya sa tunay na buhay ng isang Pilipino ang kanyang mga isinusulat. Sa kanyang karera bilang isang manunulat, nakapagtala na rin siya ng iba pang mga akda gaya ng; “” noong 2001, “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” noong 2002, “Ang Paboritong Libro Ni Hudas” at “Alamat ng Gubat” noong 2003, “Stainless Longganisa” noong 2005, “Macarthur” noong 2007, “Kapitan Sino” noong 2009, “Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan” noong 2010 at “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na inilabas noong nakaraang 2011 lamang. Ang kanyang pangalang Bob Ong ay nagmula sa isang ‘website’ na Bobong Pinoy kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang ‘web developer’ at guro.

Ang website ay nanalo sa ‘ for Weird/Humor’ noong. Ngunit ang nasabing ‘website’ ay wala na matapos ang Edsa II. Pagsuri sa Pamagat Bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino? Miski ako ay napa-isip nang mabasa ko ang pamagat nito. Bakit kaya nasabi ng manunulat na baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino? Kaya naman ito ang librong napili kong basahin, ay upang malaman ko kung bakit.

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga PilipinoBaliktad

Ngunit habang binabasa ko ang libro, nalaman kong hindi naman pala literal na baliktad na pagbabasa ang ibig sabihin ng may akda sa pagkakapamagat niya nito. Ang pamagat ng libro ay tumutukoy sa ilang kaugalian ng mga Pilipino na hindi naman gaanong masama pero hindi tama. Gaya na lamang ng pagtawid sa maling tawiran kahit na may malaking karatula na nagsasabing huwag tumawid.

Baliktad, dahil ginagawa ang kabaliktaran ng dapat. Layunin sa Pag-sulat Sa aking pagkakaintindi, ang layunin ng manunulat sa pasulat ng kanyang sinulat ay upang iparating sa mga bumabasa nito ang ilan sa kanyang napupuna sa ilang kaugalian ng mga Pilipino. Nais niya ring iparating sa bumabasa na meron ding ilang Pilipino ang namumuhi sa sariling bansa. At meron ding mga banyaga ang naiinis sa ating lahi.

Pero hindi naman lahat ay negatibo. Nais niya rin namang ipagmalaki ang mga mabuting kaugalian ng mga Pilipino. Mga magagandang tanawin, masasarap na pagkaing lubos na nagustuhan miski ng mga banyaga. Mga nakakatuwang pangalan at mga Pilipinong lubos na maipagmamalaki, hindi lang sa Pilipinas, pati sa buong mundo. Uri ng Panitikan Ang sanaysay ay isang genre kung saan nagsasalaysay ang isang tao na sanay magsalaysay. Ito ay isang genre kung saan mababasa ang opinyon ng manunulat.

Ang akdang “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” ay nabibilang sa hanay ng sanaysay. Dahil ang kabuuan ng libro ay binubuo ng mga sanaysay na isinulat ni Bob Ong at ng ilan pang manunulat. Mababasa rin dito ang ilang opinyon ng manunulat sa ilang mga bagay na napupuna at napupuri niya. Katuturan ng mga salita Ilan sa mga salitang ginamit sa akda ay matalinhaga o mga bagong salita. Ilan sa mga salitang ito ay nadagitab, sequel, siyatong, tanching, burot, jologs, kuyukot, siesta, nae-ektad, at marikit. Meron ding manlulupig at pasisiil na natagpuan ko sa ‘Lupang Hinirang’ na hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin.

At ang dig-man, liso, dagulan, dagdaloy, daglarangan, raniag at dagim. Nilalaman. Tauhan/Tagapagsalaysay Ang librong nabasa ko ay walang ispesipikong tauhan. Kaya naman ang mga tagapagsalaysay lang ang pangunahing tauhan nito.

Isa sa mga nagsasalaysay sa libro ay ang mismong manunulat nito. Isinalaysay ng manunulat ng libro ang mga kulturang Pilipino, pati ang mga karanasan niya noon pa man.

Ilan pa sa mga naging tagapagsalaysay dito ay si Teresita Bacolcol, isinalaysay niya ang karaniwang tingin ng ilang taga-ibang bansa sa mga Pilipino. Isa pa ay si Herdy Yumul sa sinulat niyang “Who wants to be a Filipino?” Si Barth Suretski, isang Amerikano kung saan sinalaysay niya ang ilan sa mga napapansin niya kung bakit hindi umuunlad ang Pilipinas. Ang “The Parable of the Mountain Bike” na sinulat ni Orion Perez Dumdum kung saan ikinwento niya ang pagkakaibigan ng isang Amerikano at isang batang Pilipino. Mga Pilipinong ‘kulang sa malasakit sa bayan’ at ilang Pilipino naman na ‘matindi ang malasakit sa bayan’ ang binigyang pansin ni Joaquin Sy sa kanyang sanaysay na “Bago Maging Kulelat”.

Sa “The Starbucks Principle” naman ni Nick Garcia, tinalakay naman niya kung gaano ba ka espesyal ang kape mula sa ’Starbucks’, at kung bakit giliw na giliw dito ang mga pa sosyal na Pilipino. Ang “A Matter of Taste” at “A Rhose by Any Other Name” ni Matthew Sutherland na tungkol sa pagkain at kakaibang mga pangalan ng Pinoy. At si Mack P. Magno na sumulat tungkol din sa pagkain ng mga Pilipino. Tagpuan Maraming tagpuang binanggit sa libro, pero ang pinakamadalas na tagpuan ay sa Maynila.

Ang pagkakalarawan ng libro sa Maynila ay isang syudad na maraming mahirap, laganap na prostitusyon at marumi. Meron ding tagpuan sa skwelahan, dito, sinalaysay ng manunulat ang mga larong madalas niyang laruin noon. Naging tagpuan din ang sementeryo, nang ikwento ng manunulat ang araw ng pagdalaw niya sa puntod ng lolo niya.

Sa bahay, nang minsang may nangangaroling sa tapat ng kanyang bahay. Binanggit din ang isang tindahan dahil naalala ni Bob Ong ang mga panahon na may tindahan sila. Sa Quezon city naman, binigyang pansin ang mga kakaibang pangalan ng mga kalye doon.

At sa Amerika naman ikinwento ng manunulat ang isang barbero na libre ang serbisyo. Paksa Ang paksa ng libro ay nakatuon sa kultura ng mga Pilipino. Tinuon ng manunulat ang paksa ng libro sa mga kasanayan, paniniwala at ilang nakakatuwang bagay sa pagiging isang Pilipino.

Sa ilang bahagi naman ng libro, naging paksa ang mga suliranin sa ating bansa. Dito tinalakay ng manunulat ang karaniwang mga problema sa ating mga Pilipino.

Mga isyung tinalakay Prostitusyon, diskriminasyon, mga banyagang galit sa mga Pilipino, at kahit mismong mga Pilipinong galit sa sariling lahi. Ilan lamang iyan sa mga suliraning panlipunan na tinalakay sa libro. Nangunguna ang prostitusyon, dahil sa ilang bahagi ng libro binanggit ng manunulat na ilan sa mga banyaga ay nagtutungo lang sa Pilipinas upang umano ng mga Pilipina sa mababang halaga. Kaya naman naituturing na ‘best buy’ ang mga Pinay. Sumunod ang diskriminasyon at ilang mga banyagang galit sa mga Pilipino.

Sa kwento ng isang Pilipino na nasa ibang bansa, ikinuwento niya kung paanong hindi siya pinakitaan ng patas na pagtingin at pangungutsa sa kanyang lahi. At meron ding mga Pilipinong galit o kinakahiya ang sariling bansa at lahi. Mga Pilipinong pinili na maging ibang lahi at hindi dinamayan ang bansa sa paghihirap. Ito ang mga suliraning panlipunan na tinalakay sa libro pa lamang. Ilan lamang iyan kumpara sa mas marami pang mga suliraning panlipunan na hinaharap ng ating bansa noon pa man o kahit hanggang ngayon.

Mga suliraning naghihintay ng solusyon. Buod/Pangkalahatang Impresion Sa unang bahagi ng libro sinalaysay ng manunulat ang mga nakagawian niya noon at ilang kultura at nakasanayang gawin ng mga Pilipino. Nariyan nang ikwento niya ang mga hilig niya gaya ng pakikinig ng radio. Ang pagkwento niya sa mga larong madalas niyang nilalaro pagkalabas niya mula sa skwelahan. Marami pa siyang kinuwento gaya ng mga kakaibang pangalan ng mga kalye, mga uri ng ‘jeepney driver’, nakakatawang mga pangalan ng negosyo at kung paano mo malalaman kung isa kang ‘martial law baby’. Ang bahaging ito ng libro ang pinaka nakaka-aliw para sa akin. Dahil habang binabasa ko ito ay napapadalas ang aking pagtawa.

Ang introduksyon ng libro ay matatagpuan sa kalagitnaan na ng libro. Ang introduksyon ay nahahati sa apat na bahagi, ang introduksyon sa internet, sa Bobong pinoy, sa kwentuhang barbero at ending ng introduksyon. Sa bahagi ring ito ng libro lumitaw ang mga puna ng manunulat. May oras na napapangiti ako sa bahaging ito, ngunit ang madalas na naging reaksyon ko ay pagsang-ayon sa mga nabasa ko.

Sa bandang dulo ng libro binahagi naman ng manunulat ang mga liham o mga akda ng mga bisita ng website na Bobong Pinoy. Dito naman lumitaw ang mga opinion ng ibang lahi o kahit mga Pilipino. Sa ilang mga liham o akda ay nakakatuwa dahil nagpapakita ito ng paghanga sa ating pagkain at kaugalian. Ngunit hindi naman lahat ay maganda. Merong ilan ay tila nasobrahan sa alab ng damdamin kaya nasobrahan din sa kanyang mga sinabi.

Sa huling parte ng libro ay tila nagpapahatid ng mensahe ang manunulat. Nais ng manunulat na maging mulat ang bawat makakabasa nito sa mga magagandang bagay sa pagiging isang Pilipino. Galit at kalungkutan ang naramdaman ko sa bahaging ito ng libro, galit dahil sa mga akdang walang sapat na basehan pero sobra kung makapaghusga sa mga Pilipino. At nalulungkot dahil sa ilang mga Pilipinong ikinakahiya ang kanilang pagiging Pilipino, mga Pilipinong walang pagmamahal sa kanilang lupang sinilangan. Pagsusuri Ang akdang aking nabasa ay lubos kong masasabing makabuluhan.

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino Summary

Sapagkat nasasalamin nito ang tunay na mga pangyayari sa ating paligid. Nagbibigay rin ito ng karagdagang mga impormasyon.

Stainless Longganisa

Ito rin ay napapanahon dahil ilan sa mga suliraning tinalakay sa akda ay problema parin ng ating bansa hanggang ngayon. Ang mga pangyayari at mga isyung tinalakay sa libro gaya ng mga suliranin sa kalinisan, kahirapan, diskriminasyon at marami pang iba ay maituturing kong naaangkop at makatotohanan dahil nakikita, nararanasan o kaya naman ay nababalitaan natin ito. Samantala, dahil nagmumulat sa katotohan at maaaring magamit sa araw-araw ang mga kaisipang pinalutang sa akda.

Naging makabuluhan at kapaki-pakinabang ito sa libro. Nagdagdag ito ng interes sa libro. Realismo ang sa tingin ko ay maaring ilapat na teoryang pampanitikan sa akda dahil ito ay tumutukoy sa tunay na buhay. Ang akda ay tumutukoy sa mga pangyayaring maaaring maganap sa buhay ng sinoman.

Gaya na lamang ng ilang mga gawain ng manunulat na sinalaysay niya sa unang bahagi ng akda. Nariyan ang paglalaro niya noong kabataan niya, mga karanasang maaari ding maranasan ng ibang tao at marami pang iba. Konklusyon Bilang isang mag-aaral, masasabi ko naman na maganda ang maidudulot ng akda para sa akin. Bukod kasi sa mga opinyon ng manunulat, naglalaman din ng karagdagang kaalaman ang libro. Dahil din sa akda, nalaman ko rin ang kahalagahan ng pagbabasa.

Para naman sa ibang tao at lipunan ay masasabi ko ring maganda ang maidudulot nito. Maraming tao ang walang alam sa ilang mga suliraning panlipunan sa sarili niyang bansa.

Kumbaga may nangyayari na sa sarili mong bahay ay wala ka paring alam. Ang libro ay nagbibigay ng ideya sa kung ano ang tunay na nangyayari at kung ano ang tingin ng ibang lahi sa atin. Kung lahat siguro ng Pilipino ay makababasa nito, magkakaroon na ang lahat ng kaalaman tungkol sa ating lipunan. Ang bawat bahagi ng libro ay nakakapukaw ng intensyon at nakaka-aliw. Sa paraang ito ng manunulat naging mahusay ang pagkakalikha ng akda.

Sa ilang bahagi ng akda ay naibigan kong lubos ang bahagi na kung saan nagtala ang manunulat ng ilang pangalan ng mga negosyong ginawa ng mga Pilipino. Nakakatawa ito dahil sa kakaibang pagkakabuo ng mga pangalan. Ang librong “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” ay inirerekomenda kong tangkilikin ng iba lalo na sa mga estudyante at lingkod bayan.

Sa mga estudyante upang maaga silang mamulat sa magagandang bagay sa pagiging isang Pilipino. Ito rin ay upang ipagmalaki nilang lubos ang Pilipinas gaya ng may akda. Para naman sa mga lingkod bayan, ito naman ay para malaman nila ang ilan sa mga suliraning wala pa ring solusyon. Malaman din sana nila sa pamamagitan ng libro ang opinyon ng ibang lahi sa atin. Kung gaano tayo kinukutsa at hinuhusgahan dahil sa kagagawan ng ilan sa kanila. Kung ako ay mapagbibigyang dagdagan o isaayos ang akda ay hindi ko na ito tatanggapin. Para sa akin, ang libro ay naisaayos na.

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino Pdf

Lubos akong nagandahan sa libro kaya naman nais ko itong manatili sa orihinal nitong ayos. Naniniwala akong may sapat nang kakayahan ang manunulat upang makabuo ng isang magandang libro. Isang librong naaangkop sa anumang edad at estado sa buhay.

Isang librong napapanahon dahil sa mga paksang tinalakay. Ang librong “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” ni Bob Ong ay isang librong kapupulutan ng aral, magiging dahilan ng iyong pagngiti at pagtawa, magbibigay sa iyo ng impormasyong kasasang-ayunan at kagagalitan mo dahil totoo, at higit sa lahat, magbibigay sa iyo ng mga dahilan kung bakit masarap maging Pilipino at kung bakit ka baliktad magbasa ng libro.